GMA Logo Jackie Lou Blanco, Snooky Serna, Ricky Davao
Source: jackielou.blanco (IG), snookysernaofficial (IG)
What's on TV

Jackie Lou Blanco reveals Snooky Serna is Ricky Davao's first crush

Published January 3, 2026 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Elon Musk's Grok AI floods X with sexualized photos of women and minors
Top stories that shaped GMA Regional TV News in 2025
Miss Universe Organization releases statement regarding ownership

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Lou Blanco, Snooky Serna, Ricky Davao


Ano kaya ang nararamdaman ni Jackie Lou Blanco na crush ng kaniyang dating asawa na si Ricky Davao ang kaibigan na si Snooky Serna?

Bago pa mapangasawa ni Jackie Lou Blanco ang dating asawa at namayapang aktor na si Ricky Davao, naging crush muna nito ang kapwa aktres na si Snooky Serna.

“Parang 'di ko alam, pero ang alam ko, si Ricky (Davao), ang crush niya talaga, si Snooky. Tapos maggi-guest dapat siya sa GMA Supershow, kakanta sila, e hindi nakarating si Snooky,” pagsagot ni Jackie sa tanong ni King of Talk Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kuwento ni Snooky, debut celebration niya noon sa GMA Supershow kung saan ginawang special episode ng yumang Master Showman German Moreno o Kuya Germs ang episode para sa kaniya.

Ngunit pagpapatuloy ni Snooky, “Tapos si Ricky, may duet dapat kami ni Ricky. Ang nangyari, 'yung voice ko, dinub ni Jack kasi nag-no show ako.”

Dagdag ni Jackie, pinaupo pa siya noon ni Kuya Germs para sa naturang dubbing at wala na umano siyang nagawa.

Pag-amin naman ni Snooky, “I'm so embarrassed, no show.”

Nilinaw naman ni Jackie na hindi siya nagselos noon na crush ng dating asawa ang kaibigan.

BALIKAN ANG PAGLULUKSA NG ILANG CELEBRITIES SA PAGPANAW NI RICKY DAVAO SA GALLERY NA ITO:


Bibida ng magkasama sa isang buong serye sa unang pagkakataon sina Jackie Lou Blanco at Snooky Serna sa upcoming GMA Afternoon Prime series na House of Lies. Pag-amin ng dalawang aktres, hindi nila alam kung bakit ganito ngunit ayon sa huli, “Well, everything happens in its perfect time and this is the perfect time.”

Tinanong din ng batikang host kung ano ang first impressions nila sa isa't isa at ayon kay Snooky, “always kind” si Jackie sa kaniya simula pa lang noong una niyang nakilala ang kaibigan.

“She's so warm, she's friendly, and parang walang masamang tinapay kay Jackie. So nu'ng nalaman ko na may gagawin kaming project together, I really felt so grateful that I was going to have a sort of comeback with the Jackie Lou Blanco,” sabi ng aktres.

Isang bagay naman na naaalala ni Jackie kay Snooky ay ang pagiging tahimik at mahiyain nito. Ngunit hindi rin malilimutan ng aktres ang pagiging sweet ng kaniyang kaikbigan.

“Even when I would see her, she would always go 'Jack, how are you?' She would embrace me, and always good vibes din with her,” sabi ni Jackie.