GMA Logo TiktoClock Ricky Davao tribute
What's on TV

Jackie Lou Blanco, Rikki Mae Davao pay tribute to Ricky Davao on 'TiktoClock'

By Bianca Geli
Published May 8, 2025 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

TiktoClock Ricky Davao tribute


Nagbigay pugay sina Jackie Lou Blanco at anak na si Rikki Mae sa 'TiktoClock' para sa yumaong aktor na si Ricky Davao.

Naghandog ng isang espesyal na tribute segment ang TiktoClock para sa beteranong aktor na si Ricky Davao bilang pagkilala at pagdiriwang sa kanyang makulay na buhay at karera sa showbiz. Pumanaw noong Mayo 1 si Ricky sa edad na 63 matapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na kanser.

Sa nasabing segment, ibinahagi ang ilang mahahalagang tagpo sa buhay ni Ricky -- mula sa kanyang iconic roles sa pelikula at telebisyon, hanggang sa kanyang kontribusyon bilang direktor, at ang kanyang mga alaala kasama ang kanyang pamilya. Ipinakita rin dito ang kanyang pagiging isang haligi ng sining at inspirasyon sa maraming artista.

Isa sa mga tampok ng tribute ang emosyonal na mensahe mula sa kanyang dating asawa na si Jackie Lou Blanco. Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Jackie Lou si Ricky sa mga panahong pinagsamahan nila, at pinuri ang dedikasyon nito sa kanyang pamilya at propesyon.

"Ang dedikasyon ni Ricky, at ang kanyang pagmamahal sa sining ay patuloy na nabubuhay sa bawat palabas, pelikula, at mga kuwento na iniwan niya sa atin," saad ni Jackie.

"I want people to remember Ricky for his kindness, the love he gave to his colleagues, his professionalism, napakahusay niyang tao.

"People were so helpful to us during his wake, and that's a testament of how wonderful of a man he was," dagdag ni Jackie.

Nagbigay rin ng mensahe ang kanilang anak na si Rikki Mae, na taos-pusong nagpahayag ng kanyang pagmamahal at paghanga sa ama. Ayon kay Rikki Mae, si Ricky ay hindi lamang mahusay na aktor kundi isang mapagmahal at maunawaing ama.

"Lumaki po akong marami ang humahanga sa kanya bilang isang aktor, direktor, at kaibigan sa industriya.

"Pero para sa akin, he will always be Papa," kwento ni Rikki Mae.

"Napaka-bittersweet na nandito ako ngayon sa GMA, dahil ito talaga 'yung pangalawang tahanan ni Papa.

"Siyempre maalala natin siya bilang isang mahusay na tao, direktor, kumakanta rin siya...pero 'yung puso niya talaga ang maalala ng mga tao," dagdag pa niya.

Inawit rin ng international theater actress at Broadway artist na si Jenine Desiderio ang "Araw-Gabi" na isa sa mga paboritong kanta ni Ricky.

Nagbigay-pugay rin ang mga host ng TiktoClock, at pinasalamatan si Ricky Davao para sa kanyang di-matatawarang ambag sa sining at kultura ng Pilipinas. Nagkaloob din ang TiktoClock ng isang parangal bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa industriya ng showbiz.