GMA Logo Jackie Rice
Photo source: _jackierice (IG)
What's Hot

Jackie Rice at kanyang 'pandemic boyfriend,' hiwalay na

By Jansen Ramos
Published March 24, 2021 5:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Rice


Ibinahagi ni Jackie Rice na single na siyang muli matapos silang maghiwalay ng kanyang boyfriend na sinagot niya sa panahon ng pandemya. Gayunpaman, tila may panibagong nagpapatibok sa puso ng aktres matapos mag-post ng mga larawan ng bulaklak na ibinigay sa kanya.

Hindi naging malamig ang Pasko ni Jackie Rice noong nakaraang taon dahil ipinagdiwang niya ito kasama ang kanyang 'pandemic boyfriend' na hindi niya pinangalanan.

Isinapubliko ni Jackie ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang sweet photos online.

Gayunpaman, hindi nakaligtas si Jackie sa mga mapanuring mata ng netizens nang bigla na lang mapansin na deleted na ang kanilang mga larawan sa kanyang Instagram account.

"No results found" na rin ang lumalabas kapag sine-search sa photo and video sharing site ang username ng nobyo ni Jackie na unlirice0714.

Lalo pang tumindi ang ispekulasyon ng netizens na hiwalay na ang dalawa nang mag-post ang aktres noong February 11 ng larawan niya kung saan may hawak siyang phone at isinulat sa caption, "When you know your worth, you don't lose people. People lose you."

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice)

Komento tuloy ng isang follower ni Jackie, "Kelan pa kayo nagbreak nung jowa mo po? Nawala na din yun photo nyo together sa IG mo. Fan nyo pa nmn ako."

Hindi naman itinanggi ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang "pandemic boyfriend" at sinabing "last year" pa ito nangyari. Ayon kay Jackie, mahigit isang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Ilang araw bago iyon, inamin na ni Jackie sa isang Facebook post na siya ay "single" na ulit. Sinabi niya ito kalakip ng isang screenshot ng tweet na may mga salitang "Kapag asawa na kita gigisingin kita ng madaling araw at tatanungin kita kung tulog kana."

Bagamat fresh from a breakup, tila may bagong nagpapatibok sa puso ni Jackie nang mag-post siya sa Instagram ng sunod-sunod na larawan ng mga bulaklak na ibinigay sa kanya.

Sa post na ito, nag-pose si Jackie katabi ang dalawang set ng bulaklak.

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice)

Sulat niya sa caption, "Hindi ko alam kanino galing to [laughing emoji] pero salamat [heart emoji]."

Sa post na iyon, tila nagpahiwatig si Jackie sa comments section na hindi naging maganda ang takbo ng kanyang previous relationship.

Kalakip ng laughing and hammer emojis, ika ng follower niyang may IG handle na aglirajsam, "Mars ko yn walang mananakit dyan."

Ni-reply-an naman ito ni Jackie ng "babae na ako d na [punching] bag."

Humirit pa ang follower ng isa pang komento at sinabing "Oo mgnda dapat minamahal naku naku tlga [scissors emoji.] "

Sinagot naman ito ni Jackie ng "puso mo. Move on na dai."

Sabay dugtong ng "Kita mo may pasabog na from heaven," pagtukoy niya sa kanyang new found love.

Sa hiwalay na post, muling nagbahagi si Jackie ng kanyang larawan na may hawak siyang bouquet of pink roses. Ika niya, "Forever grateful [praying hands emoji]."

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice)

Hindi naman napigil ni Jackie ang kilig niya nang i-post niya ang panibagong larawan niya kung saan may hawak naman siyang bouquet of red roses.

A post shared by Jackie Rice (@_jackierice)

"Kilig is all mine. Forever grateful," sulat niya kalakip ng heart at praying hands emojis.

Itinanghal si Jackie na Ultimate Female Survivor sa third season ng GMA reality artista search na StarStruck noong 2006.

Huli siyang napanood sa Celebrity Bluff noong Pebrero nang mag-guest siya rito kasama ang kanyang personal assistant.

Noong Disyembre, nakatambal ni Jackie si Rodjun Cruz sa isang episode ng Wish Ko Lang, kasama si Andrea Del Rosario.