
Busy ang Kapuso actress at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Lopez sa kanilang food business, Paghahanda na ba ito sa kanilang pagpapakasal?
By GIA ALLANA SORIANO
Sa interview ni Jackie Rice with Lhar Santiago para sa 24 Oras, natanong ang Buena Familia actress kung handa na nga ba siya magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Lopez.
READ: Jackie Rice talks about her view on marriage
Sagot naman niya, “Hindi pa rin ako ready makipag-commit. Iba kasi pag kasal, ['yun 'yung] ibibigay ko na talaga 'yung buhay ko sa kanya. Right now, kailangan ko magnegosyo para rin sa family ko, tumutulong pa rin po ako sa family ko sa Olongapo.”
Right now, ang focus nila ay ang kanilang business. Busy daw sila ng kanyang boyfriend na si Andrew Lopez ka kanilang food business. Ika niya, “Kailangan natin magstart ng maliit, tapos with a twist, na pang masa 'yung [taste] pero [ang] mga nagluluto [ay] mga chef.”
Video courtesy of GMA News