Article Inside Page
Showbiz News
Bakit hindi naniniwala sa kasal ang Kapuso actress na si Jackie Rice? Ang kanyang straight to the point na sagot malalaman niyo na.
By EUNICIA MEDIODIA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Going strong ang relationship ng Kapuso actress na si Jackie Rice sa kanyang non-showbiz boyfriend for five years kaya naman tinanong ng GMANetwork.com kung may balak na ba siyang magpakasal.
“Wala pa. Bata pa ako. Sinabi ko naman sa kanya na hindi pa talaga ako ready. Ayoko naman na magpapakasal kami o magbi-baby. Hindi mo na puwedeng talikuran ang mga bagay na ‘yon. Hindi ka na pwede mag-back out once na mag-asawa ka,” sagot niya.
Paano niya ba malalaman kung ready na siya magpakasal?
“Mararamdaman mo yata ‘yon. Tinatanong ko lagi si Chariz Solomon at saka ‘yong iba, sila Yasmien. Darating daw ‘yon eh,” sabi niya.
Hindi pa raw niya nakikita sa ngayon at kung sakali man magpapakasal siya, sa edad na 27 to 29 ang balak niyang edad na ikasal.
Pahabol niya, “Pero siguro 'pag ganoong age tanungin mo ulit ako kasi puwede magbago pa.”
Sa ngayon daw gusto niya muna mag-travel at gawin ang mga bagay na hindi niya magagawa 'pag mag-aasawa na siya.
Pinagtapat ni Jackie na hindi raw siya talaga naniniwala sa kasal kaya hindi niya rin iniisip na ikakasal siya balang araw.
“Hindi talaga ako naniniwala sa kasal kaya siguro hindi ko nai-imagine ang sarili ko na ikakasal kasi ‘di ako naniniwala sa marriage. Siguro dahil ‘yong mom and dad ko hiwalay sila. Wala naman talagang happy ending, wala talaga,” ayon kay Jackie.
Alam din daw ng boyfriend ni Jackie ang paniniwala niyang ito, “Sinasabi ko sa kanya na hindi ako naniniwala sa marriage. Pero siya 'yong nagsasabing kaya kong baguhin 'yong pananaw mo sa buhay kasi kaya ko ipakita sa iyo na meron talagang ganoon.”