
Uulan ng kagandahan sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, October 3 sa pagdating ng mga female celebrity player!
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show. Samantala, uupo naman si Wally Bayola bilang guest bluffer.
Ang tagisan ng kaalaman at katatawanan, tila mauuwi rin sa pagandahan. Maglalaban-laban kasi bilang celebrity players sina Jackie Rice, Isabelle Daza at Georgina Wilson.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.