What's Hot

Jackie Rice looks forward to celebrating Christmas with her "pandemic boyfriend"

By Dianara Alegre
Published December 18, 2020 11:42 AM PHT
Updated December 18, 2020 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Rice at kanyang pandemic boyfriend


Ipinakilala ng aktres na si Jackie Rice ang kanyang “pandemic boyfriend.”

Magiging merrier ang Pasko ng aktres na si Jackie Rice dahil hindi lang pamilya ang makakasama niyang ipagdidiwang ang okasyon.

Ayon sa aktres, makakasama niya rin sa Pasko ang kanyang “pandemic boyfriend,” na sinagot niya raw sa gitna ng pandemya.

Jackie Rice at kanyang pandemic boyfriend

“[Celebrating] with family and pandemic boyfriend. Bahay lang, siyempre 'yun naman ang time natin with our loved ones, e,” aniya nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago sa 24 Oras.

Samantala, nagbalik-trabaho na rin si Jackie para sa isang episode ng Wish Ko Lang kasama si Rodjun Cruz. Makakasama rin nila rito si Andrea del Rosario.

“Mag-asawa po sina Rodjun Cruz at Andrea del Rosario pero ako ang nauna. Parang obsessed ako kay Rodjun like feeling ko akin pa rin [ang girlfriend niya] kahit may pamilya na siya,” ani Jackie.

Jackie Rice at Rodjun Cruz

Source: _jackierice (IG); rodjuncruz (IG)

Na-miss aniya ang pag-arte dahil ito ang unang beses na sumabak siya sa taping mula nang ipatupad ang community quarantine noong March dahil sa COVID-19.

“While [in] lockdown, ang ginawa ko lang 'yung mga lumang script ko binabasa ko ulit siya. Buti tinago ko. Na-miss ko umarte,” aniya.

Gayundin, ibinahagi ni Rodjun na kahit nanibago sa umpisa ay na-enjoy ang muling pag-arte.

“Sobrang na-miss ko talaga 'yung pag-acting kasi nga simula nu'ng pandemic, ngayon lang ulit ako bumalik sa pag-arte," saad ni Rodjun.

“Iba 'yung feeling. Parang sa umpisa naninibago ulit ako. Ine-enjoy ko 'yung bawat moment kasi na-miss ko po talaga, e,” aniya.

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Dati nang nagkasama sa 2018 series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka sina Jackie at Rodjun kaya naging magaan umano ang kanilang pagtatrabaho.

Samantala, pinaghahandaan din ni Rodjun at ng asawa niyang si Dianne Medina ang Pasko dahil ito ang unang beses na sasalubungin ng baby nilang si Joaquin ang Kapaskuhan.

“Gusto namin na maging special 'yung Christmas na 'to, 'yung first-ever Christmas niya. Dapat mayroong magandang damit na susuotin si baby Joaquin at magterno kami para talagang masaya 'yung Christmas. Siyempre konting salu-salo pa rin. Tuloy pa rin 'yung Noche Buena, opening ng gifts,” sabi pa ng aktor.

Tingnan ang nakaaaliw na family photos nina Rodjun Cruz, Dianne Medina, at baby Joaquin sa gallery na ito: