Article Inside Page
Showbiz News
Buo ang tiwala ni Jackie sa kanyang mga makakasama sa 'Innamorata' kaya naman hindi siya nag-aalala na magagampanan niya rin nang tama ang kanyang role.

Mapapanood sa isa na namang inaabangan na teleserye sa GMA Afternoon Prime ang
Starstruck Batch 3 Ultimate Female Winner na si Jackie Rice.
Bibigyang-buhay niya ang katauhan ni Gina, ang magpapahirap sa buhay ni Esperanza na gagampanan naman ni Max Collins.
Pagkatapos ng kanyang show sa GMA na
Bukod Kang Pinagpala ay nagkaroon ulit siya ng show, ang
Innamorata (My Love). Makakasama niya rito sina Luis Alandy at Dion Ignacio, pati na rin ang kanyang mga
Bubble Gang sisters na sina Gwen Zamora at Max Collins.
“Masaya. Nakikita ko naman na positive lang. Tawa lang kami ng tawa. Magaan ang loob ko sa kanila. Sana pagdating nang take hindi na kami tawa ng tawa. Kailangan ko maging serious, kasi kailangan ko maging mataray,” pagbahagi ni Jackie.
First time makakaeksena ng sexy actress ang leading man na si Luis Alandy. Si Luis ang gaganap na Edwin Manansala na magkakagusto kay Esperanza. Magkakagusto rin kay Luis ang karakter ni Jackie na si Gina.
Samantala, sina Gwen Zamora at Max Collins ay first time naman niyang makakatrabaho sa isang drama.
Sabi pa ni Jackie tungkol kay Max, “Napanood ko si Max sa
Pahiram Ng Sandali. Ang galing galing niya!”
“Lagot siya sa akin! Magdadala ako ng ipis para matakot sa akin si Max (laughs),” biro niya.
Buo ang tiwala ni Jackie sa kanyang mga makakasama sa I
nnamorata kaya naman hindi siya nag-aalala na magagampanan niya rin nang tama ang kanyang role.
“Hindi ako nahihirapan, kasi alam kong may tiwala ako sa co-stars ko, sa mga staff. Alam kong magagampanan ko nang tama kasi nandiyan sila. Kampante ako roon. Ang gagawin ko lang, gagawin ko ang best ko. Sila na ang bahala sa rest,” sabi niya.
Abangan si Jackie Rice bilang Gina this February sa
Innamorata.
Para sa updates tungkol kay Jackie at sa iba pang cast ng
Innamorata, huwag kalimutang mag-log on sa
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com