
Isa si Jackie Rice sa celebrities na nakitang dumalo sa engrandeng debut party ni Jillian Ward sa the Cove, Okada Manila, kagabi, February 25
Sa post ni Arny Ross sa Instagram Story, tuwang-tuwang ito na makita ang former co-star niya sa hit gag show na Bubble Gang.
May post din ang award-winning TV actress na si Yasmien Kurdi kasama ang kapwa StarStruck alumna.
Source: iamarnyross (IG) and yasmien_kurdi (IG)
Ka-batchmate ni Jackie StarStruck Season 3 ang yumaong si Marky Cielo, na itinanghal na StarStruck Ultimate Male Survivor. Pumanaw ang aktor noong December 2008.
Bukod sa Bubble Gang, napanood din si Jackie Rice sa mga serye na Ilumina ( 2010 ) at Innamorata (2014). Huli siyang napanood sa GMA Network sa dating seryeng Beautiful Justice (2019).
NARITO ANG ILAN PANG SHOWBIZ PERSONALITIES NA DUMALO SA 18TH BIRTHDAY NI JILLIAN WARD: