Aasa pa si Jackie Rice na muli silang magkakabalikan ni Rafael Rosell. Ganyan ang takbo ng kuwentuwaang kanilang katatampukan sa Dear Uge ngayong Linggo, January 15.
Pinilit na makalimot si Charlotte (Jackie) matapos nila maghiwalay ni Marlon (Rafael) apat na taon na ang nakalipas. Pero kung kailan akala niya ay over na siya sa kanilang breakup, muling nagkrus ang kanilang landas.
Laking gulat ni Charlotte nang dumating sa pinagtatrabahuhan niyang hotel si Marlon, at naging ‘It’s all coming back to me now’ ni Celine Dion ang peg niya. Aasa siyang may second chance pa sila ng kanyang ex-boyfriend.
Magtatagumpay kaya si Charlotte na makuhang muli ang kanyang ‘The one who got away,’ o meron nang kontrabida na mamamagitan sa kanila?
Abangan ang kuwentuwaang pinamagatang ‘Ex Ex Ex’ ngayong Linggo, January 15, sa nangungunang comedy anthology, ang Dear Uge!