
“Kailangan mapanood ng ating kababayan para makita niyo naman ano ang nakita ng mga jury... The whole movie – ang ensemble, mga artista ‘yung direction [at] ‘yung kwento.” - Jaclyn Jose
“Drugs, crime, and corruption” ang mga pangunahing isyu na kinasasangkutan ng lipunan ngayon at nais itong linisin ni President Rodrigo Duterte base sa kanyang plataporma.
“Timing na timing kung mapapanood ninyo ‘yung pelikula. Makikita ninyo na ‘Oo nga, nangyayari nga ito.’,” tiniyak ni Ma’ Rosa lead star Jaclyn Jose.
Simula kahapon (Junyo 6) ay ipinalabas na ang independent film ni multi-awarded director Brillante Mendoza na isang official selection ng Cannes Film Festival 2016. Dito rin nasungkit ng The Millionaire’s Wife's star ang kanyang Best Actress award na kauna-unahang nakuha ng isang aktres mula sa Timog-Silangann Asya.
“Kailangan mapanood ng ating kababayan para makita niyo naman ano ang nakita ng mga jury... The whole movie – ang ensemble, mga artista ‘yung direction [at] ‘yung kwento,” pagtatapos ng A1 Ko Sa ‘Yo star.
MORE ON JACLYN JOSE:
WATCH: Jaclyn Jose's priceless reaction after her big win in Cannes 2016
Celebrities rejoice over Jaclyn Jose's win in Cannes 2016