GMA Logo Tadhana Bekiry
What's on TV

Jaclyn Jose, Kate Valdez at Nikki Co, magsasama-sama sa 'Tadhana'

By Bianca Geli
Published March 20, 2021 10:04 AM PHT
Updated March 20, 2021 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana Bekiry


Pamilya o pag-ibig? Makakaya ba ng isang lalaki na itakwil ang kanyang mga baklang kapatid para lang sa pagmamahal niya sa isang babae na may homophobic na tatay?

Maaga mang pumanaw ang padre de pamilya ng pamilya Kupkupin, hindi naman nagkulang si Teresa (Jaclyn Jose), dating OFW, sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Para sa bunso niyang si Philip (Nikki Co), hindi malaking isyu na ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na sina China (Alchris Galura) at Saudi (Prince Stefan) ay pawang mga bading.

Hindi niya akalain na ang nobya niyang si Pia (Kate Valdez) ang magiging dahilan kung bakit masusubukan ang tibay ng kanilang pagsasamang magkakapatid!

Ang ama kasi ni Pia na si Elton (Jeffrey Santos) ay homophobic o 'yun bang tila may galit sa mga bading.

Aaminin kaya ni Philip sa biyenan-niyang-hilaw na sina China at Saudi ay mga kapatid niya? O mapipilitan ba siyang itanggi at talikuran ang pamilya para sa pagmamahal niya kay Pia?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa isang feel-good, nakakatawa at nakakaantig na two-part special ng Tadhana GMA na pinamagatang "BEKIRY", ang PART 1 ngayong Sabado, March 20, 3:15 p.m. sa GMA-7! #TadhanaBekiry