
Matapang ang naging statement ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa pamilya ni Jake Ejercito sa Instagram.
Matatandaan na noong press conference ng afternoon soap niya na D’ Originals noong April 5, 2017 nagulat ito nang malaman na nag-file ng petition for joint custody ang kampo ni Jake para sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.
MUST-READ: Jaclyn reacts to Jake Ejercito's petition for joint custody
Bumuhos ang emosyon ng 2016 Cannes Film Festival best actress sa Instagram noong June 7, 2017 kung saan inisa-isa niya ang mga hinaing nito sa dating boyfriend ng anak.
Aniya, “Jake, ubos na pasensiya ko sa inyo. This is the 1st time i am gonna talk about you and your mom? In public! Pinapalabas nio in private that my daugther [sic] is not capable in raising Ellie? For that law suit? Kelan ka ba andito? Kelan namin pinag damot si aellie [sic]?”
“Pakibalik apo ko kasi bibilhan ko pa ng uniform at school supply! Ano naibigay nio? Photos? Posting? D naman alam ng tao? Publicly kung ano ka bilang ama! Kahit 1 mineral water d kayo nag padala! 3 years bago nio nalaman?”
Ni-reveal din ni Jaclyn sa kaniyang post na may nakatakda silang hearing sa korte noong June 22, 2017.
“Wag! Pls. Nakikiusap ako sa inyo. June 22 hearing abt what? Na gusto mo pag andito ka sa iyo si Ellie? Ni hindi mo nga kayang ipaglaban sarili mo! Try me ajake! My grand child have a good heart you know that i will not allow any one to take that away from her”
Makikita sa comment section ng Instagram post ang iba pang statements ni Jaclyn kung saan umamin ang magaling na aktres na pikon na siya sa ama ng apo niya na si Ellie.
Ipinagtanggol din nito si Andi Eigenmann sa mga bashers na pilit na sinisiraan ang anak. Dagdag ng Kapuso actress na matagal na siyang nagtitimpi, pero this time ay ready na siya magsalita para maprotektahan si Andi at Ellie.
Binalikan din ni Jaclyn sa kaniyang post ang hirap na dinanas niya bilang isang single parent at dito binulgar ng veteran actress na ayaw ni Laarni Enriquez si Andi para sa kaniyang anak na si Jake Ejercito.
May pakiusap din si Jaclyn na sana iurong na ng pamilya Ejercito ang joint custody petition at hayaan magkaroon si Ellie ng normal life.
Walang naging opisyal na pahayag ang kampo ni Jake Ejercito at Laarni Enriquez patungkol sa naturang isyu.