GMA Logo Jaclyn Jose social media hacked
What's Hot

Jaclyn Jose warns followers that her social media account was hacked

By Aedrianne Acar
Published November 26, 2022 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bicameral Conference Committee (Dec. 14) - Day 2 | GMA Integrated News
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Jaclyn Jose social media hacked


Miss Jaclyn on returning to social media: “Hanapin ko muna hacker pina-NBI ko na at saka na lang ako babalik.”

Mabilis na gumawa ng aksyon ang Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose matapos niyang malaman na hacked ang kaniyang social media.

Hindi malinaw sa post sa Instagram ni Miss Jaclyn kung alin account ang na-hack, pero nauna na niyang sinabi last November 23 na huwag makipag-usap sa sino man gumagamit ng kaniyang pangalan online para humingi ng pera.

Sabi niya sa post, “My phone has been hacked...pls ignore if someone is asking for money 'di po ako yun.”

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Dagdag pa ng award-winning actress, “Ang style kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko....ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito.”

Nang sumunod na araw, muling nagbabala si Jaclyn tungkol sa pagka-hack ng kaniyang account at sinabi rin niya na nakikipagtulungan na siya sa National Bureau of Investigation o NBI para malaman kung sino ang nasa likod ng hacking.

Post niya muli, “To all my hacker....naka-hacked pa din ako nag pahinga lang magaling tong mga tao na 'to...I will not message..post any ...nagpalit nako password nakuha pa.....to everyone ...wala na po ako social media.

“Hanapin ko muna hacker pina-NBI ko na at saka na lang ako babalik...bastos at wala galang itong gumagawa. I will not post ...nor text anyone lalo na kung money involved...ignore ....hahanapin ko ..malapit na meron na ako lead.”

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

Huling napanood si Miss Jaclyn Jose sa high-rating primetime series na Bolera, kung saan gumanap siya bilang Tessa na nanay ng karakter ni Kylie Padilla na si Joni.

HETO ANG MGA KUWENTO NG CELEBS AT KANILANG FAKE SOCIAL MEDIA ACCOUNTS: