
Sinisikap ni SexBomb Jacque Esteves na makakasama sa pangatlong pagtatanghal ng "Get, Get, Aw!" concert ng iconic Pinoy group na SexBomb Girls.
Matatandaang hindi siya naging bahagi ng unang dalawang concerts ng grupo dahil sa isyung pangkalusugan.
Nakabase na ngayon sa Amerika si Jacque kung saan nagtatrabaho siya bilang isang nurse.
Photo source: estevesjacque_ (IG)
Ipinaliwanag niyang hindi siya nabigyan ng clearance ng doktor para sumakay ng eroplano at gumawa ang strenuous activities pero hindi na ibinahagi ang iba pang detalye ng kanyang medical condition.
Gayunpaman, nagbigay pa rin siya ng suporta sa kanyang kapwa SexBomb Girls members sa unang dalawang pagtatanghal ng concert.
Ngayon, sinsikap daw ni Jacque na ma-improve ang estado ng kanyang kalusugan para makasama sa "rAWnd 3" ng concert.
"Kahit di ako nakasama sa rAWnd 1 & 2 reunion concerts due to medical issues, I am praying and working on my recovery to hopefully join sa rAWnd 3!!! 🙏🏼 LETS GO!" sulat niya sa Instagram kalakip ng lumang video niya kasama ang SexBomb Girls.
Nakatakdang itanghal ang "Get, Get, Aw! rAWnd 3 The Finale" ng SexBomb Girls sa February 6 sa SM Mall of Asia Arena.
Una napanood ang sold-out concert noong December 4 sa Araneta Coliseum.
Dahil sa hiling ng maraming mga tagahanga na hindi nagkaroon ng pagkakataong mapanood sila dito, nagdagdag ang SexBomb Girls ng isa pang show noong December 9 sa SM Mall of Asia Arena.
Bitin pa rin ang fans kaya minarapat ng grupo na magtanghal muli sa ikatlong pagkakataon.
SILIPIN ANG HIGHLIGHTS NG "GET, GET, AW!" CONCERT NG SEXBOMB GIRLS DITO: