GMA Logo jade lopez and sheena halili
What's on TV

Jade Lopez at Sheena Halili, nagkainisan dahil sa kanilang 'StarStruck' batchmate

By Maine Aquino
Published April 15, 2024 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

jade lopez and sheena halili


Alamin dito kung sino ang dahilan bakit nagkainisan sina Jade Lopez at Sheena Halili:

Biglang napaamin si Jade Lopez sa kanilang inisan noon ni Sheena Halili nang siya ay bumisita sa Sarap, 'Di Ba?

Noong April 13, itinanong ng Sarap 'Di Ba? host na si Mavy Legaspi kay Jade, "Sino ang pinaka kinainisan mo noon sa StarStruck?"

"Wala naman," ang unang sagot ni Jade.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Hindi naman na napigilan ng kaniyang StarStruck season 1 batchmates at kaibigan na sina Nadine Samonte at Katrina Halili sa pagsabi ng kanilang natatandaan nang marinig ang tanong.

Saad ni Nadine, "Parang meron. Umiiyak siya sa banyo noon."

Natatawang hirit ni Jade habang nakaupo sa hot seat, "Alam niyo naman tatlo na anak ko."

Si Jade ay happily married sa asawa na si Rocky Siccion. Sila ay may anak na sina Rinoa, Rohan, at Rhaegar.

Inamin ni Jade na nangyari ito noong naghahanda sila sa bago nilang programa. Ani Jade, "Nandito sila Direk Rommel noon. Parang nagsa-start tayo ng bagong show, 'yung Playhouse yata. Kailangan mag-bonding."

Dugtong ni Jade, "Sino raw kinaiinisan ganiyan, parang nagkainisan kami ni Sheena [Halili] yata noon... dahil kay Rainier."

PHOTO SOURCE: @mysheenahalili

Natatawang hirit ni Katrina sa sagot ni Jade, "Ang pogi kasi ni Rainier... Parehas naman silang nahihiya ngayon na natatawa."

Kahit na matagal na nangyari ito, inamin ni Jade na masakit ito noon sa kaniya.

"Pero noong panahon na 'yun parang ang sakit sakit 'di ba, kasi 16 years old."

Balikan ang pag-amin ni Jade sa Sarap, 'Di Ba?

SAMANTALA, BALIKAN ANG STARSTRUCK BATCH 1 DITO: