
Ibinahagi ng StarStruck graduate na si Jade Lopez na nag-celebrate sila kamakailan ng unang buwan ng kaniyang anak na si Rohan Azurite.
Si Rohan ay ang ikalawang anak ni Jade at ni Rocky Siccion.
Photo source: @jadelopezsic
Ayon kay Jade, ipinanganak si Rohan nitong February 9, 2022. Saad ni Jade sa Instagram post, "Our little man has arrived! On February 9, 2022, we were blessed with the arrival of Rohan Azurite L. Siccion."
Pag-amin pa ni Jade ay hindi siya makapaniwala sa bilis ng paglaki ng kaniyang baby Rohan.
"Yesterday this little rascal turned 1 month old. Ang bilis!!"
Ang panganay ni Jade na si Rinoa Sapphire ay nag-celebrate naman ng kaniyang second birthday nitong February 26.
Samantala, balikan ang pregnancy diary ni Jade sa gallery na ito: