What's on TV

Jade Lopez kinompronta si Sophie Albert sa 'Bihag'

Published May 8, 2019 12:25 PM PHT
Updated May 8, 2019 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi na makakapagpigil si Dra.Liza at kukumprontahin nito si Reign. Ano kaya ang kahihinatnan nito?

Magtatapos na yata ang pagpapanggap ni Reign (Sophie Albert) na siya ay isang mabait at tunay na kaibigan sa mga bida ng hit suspense-thriller soap ng GMA Afternoon Prime na Bihag dahil si Dra. Liza (Jade Lopez) hindi naniniwalang tunay na kaibigan ito ng bidang si Jessie (Max Collins).

Hindi na makakapagpigil si Dra.Liza at kukumprontahin nito si Reign. Ano kaya ang kahihinatnan nito?

Tiyak na kaaang-abang ang episode ngayon ng Bihag nag pinagbibidahan nina Jason Abalos, Max Collins, Neil Ryan Sese at si Jade Lopez.

Ginagampanan ni Jade ang role na doctor friend ni Jessie at isa sa pinakamakulay na karakter sa nasabing show; mabait pero palaban, matalino at hindi mabobola pero sensitibo at loyal sa kanyang pamilya at kaibigan.

Ang aktres na si Jade Lopez ay isa sa mga mahusay na aktress ngayon sa Kapuso Network. Pagkatapos mapanood sa Impostora at Alyas Robin Hood, mas lalong nakilala si Jade bilang isang versatile actress lalo na sa kanyang pagganap ng samu't saring role sa mga Kapuso shows bilang kontrabida, mistress, ulirang ina, fire dancer, at kahit bilang isang transman. Nagsimula si Jade sa StarStruck Batch 1 kasama sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi.

Jade Lopez
Jade Lopez

Mapapanuod si Jade Lopez araw-araw sa Bihag pagkatapos ng Dragon Lady.