GMA Logo jaime yllana and anjo yllana
Courtesy: Nherz Almo (left)/Fast Talk With Boy Abunda (right)
What's Hot

Jaime Yllana, humingi ng paumanhin sa viral videos ng amang si Anjo Yllana

By Nherz Almo
Published January 9, 2026 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Venezuela looks to rebuild diplomatic ties with US
Sinulog 2026 festivity kicks off
Alexandra Eala wins vs Magda Linette to secure spot in ASB Classic semifinals

Article Inside Page


Showbiz News

jaime yllana and anjo yllana


Jaime Yllana: “Pasensiya po sa lahat.”

Hindi naiwasan ng baguhang aktor na si Jaime Yllana ang tanong tungkol sa kanyang amang si Anjo Yllana, na naging usap-usapan kamakailan dahil sa kanyang viral videos na tumitira sa mga dating kasamahan sa trabaho.

Ipinakilala si Jaime bilang isa sa mga aktor sa upcoming Wattpad-to-screen series na My Husband is a Mafia Boss kahapon, January 8.

Dito, kinuha ng entertainment media ang pagkatataong makuha ang reaksiyon ng 22-year-old newbie actor sa kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang ama.

Ani Jaime, “Yung tatay ko kasi, at the end of the day, he's my dad. Sa bahay, tatay ko talaga siya, so nakikita ko talaga yung pinagdadaanan niya.

“Alam ko naman, pasensiya po sa lahat, na may nagagawa siyang mali at naiintindihan ko naman na ganoon talaga.''

Related gallery: Meet Anjo Yllana's beautiful daughter Mika

Bilang anak, kailangan daw niyang intindihin ang kanyang magulang.

"Wala, tatay ko siya. Mahal ko siya kaya kailangan kong intindihin na ganoon siya, bigyan siya ng advice,” katuwiran ng binatang anak ni Anjo sa dating asawang si Jacqui Manzano.

Patuloy pa niya, “Kasi siyempre, mga kaibigan din niya yung pinag-uusapan niya kaya medyo nakontrol na rin niya. Kahit anong maling gawin ng tatay ko, kailangan kong matutong pagbigyan siya. Siyempre, siya yung nagpalaki sa akin. I wouldn't be here without him.”

Ayon kay Jaime, parang kapatid at best friend ang turingan nilang mag-ama sa isa't isa. Kaya naman malaya rin siyang nakapagbibigay ng payo kay Anjo.

Katulad ng sa isyung ito, nabanggit ni Jaime, “Sinasabi ko lang sa kanya na, 'Alam mo minsan sa buhay, kailangan i-keep private.' Like siyempre, artista tayo or in the spotlight, but some things need to be in private.”

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com at ilang entertainment media, sinabi ni Jaime na naniniwala siyang naintidihan ng kanyang ama ang kanyang payo.

“Naintindihan naman niya noong sinabi ko sa kanya na some things need to be kept private. Doon siya nagbago, tinigil na niya,” sabi ni Jaime.

Sa bali-balitang posibleng sampahan ng reklamo ang kanya ama dahil sa mga tirade nito, sabi ng aktor, “Well, I'm not my dad. Personally, as a son, I would feel bad for him, siyempre.

“But I hope he gets to arrange everything accordingly. Kasi siyempre, deep down inside he thinks what he's doing is right, that is to defend people. Pero he just didn't deliver it the right way.”

Sabi pa niya sa huli, “He's gonna own up to his own mistakes. Ganun naman siyang tao, alam niyang mali siya, he's gonna be better.”

Samantala, balikan ang panayam kay Anjo Yllana sa Fast Talk With Boy Abunda, kung saan sinabi niyang maaga siyang tumayo bilang padre de pamilya sa kaniyang mga kapatid: