GMA Logo Jak Roberto
Celebrity Life

Jak Roberto, ano ang mga inaasahan sa paparating na 2024?

By EJ Chua
Published December 2, 2023 1:48 PM PHT
Updated December 2, 2023 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Excited na ang 'The Missing Husband' star na si Jak Roberto sa paparating na bagong taon.

Si Jak Roberto ang isa sa bagong guests sa online show na Updated with Nelson Canlas.

Sa naging interview ni Nelson kay Jak, maraming ikinuwento ang huli tungkol sa kanyang buhay ngayon sa entertainment industry.

Bukod pa rito, sinagot ng The Missing Husband actor ang tanong sa kanya ng host kung ano-ano ang inaasahan at hiling niya para sa kanyang buhay sa paparating na bagong taon.

Sagot ni Jak, “Ako nilu-look forward ko sa 2024, yung matapos na yun rin yung bahay ko kasi, kasi parang next year pa 'yung tapos niya e. And as of now… nakatayo na…Hinihintay ko na lang 'yung roof, tapos finishing na… Isa 'yun sa nilu-look forward ko.”

Looking forward din si Jak sa tagumpay ng kanyang first-owned business.

Pahayag niya, “Of course, itong JC essentials na mag-succeed, skyrocket pa. And 'yung upcoming products pa namin na ila-launch, very excited ako doon na alam ko na rin na magugustuhan ng mga consumers. Kasi requested sa akin iyon e.”

Sabi pa niya, “Nakakakilig kasi hindi ko pa nasasabi sa kanila na ila-launch ko 'yung nire-request nila. Abangan nila 'yun...”

Kasunod nito, nagbigay rin ng pahapyaw si Jak tungkol sa mga inaasahan niyang mangyari sa 2024 sa kanyang career bilang isang aktor.

Sabi niya, “Of course, siyempre 'yung sa showbiz part naman, 'yung mga offer pa sakin sa ano sa mga soap kasi syempre first love ko talaga 'yung acting and passion ko 'yan ah, kung ano man 'yung role na magbibigay sa akin sa upcoming 2024.

“Ako naman di naman ako namimili po, pero like gusto ko lang talaga magtrabaho ng ano 'yung passion ko sa acting naman,” dagdag pa niya.

Napapanood ang Sparkle star sa ongoing GMA action suspense drama series na The Missing Husband.

Kilala siya sa serye bilang pulis na si Joed.