What's Hot

Jak Roberto at Barbie Forteza, miss na ang kanilang food at out of town trips

Published May 5, 2020 12:32 PM PHT
Updated May 7, 2020 9:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Marcos leads rice distribution in Bagong Pag-asa, QC
Ateneo appeals for 'compassion' and 'truthfulness' amid rumors involving Men's Basketball Team
AgSur 'Sports Icon' Rene Baterbonia laid to rest

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Barbie Forteza


Inamin nina Jak Roberto at Barbie Forteza na kahit lagi silang magka-video call ay nami-miss pa rin nila ang isa't isa.

The struggle is real para sa Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza dahil halos dalawang buwan na silang hindi nagkikita bunsod ng enhanced community quarantine.

Kahit araw-araw na magka-video call ay hindi pa rin umano sanay ang JakBie na hindi nagkikita.

Sa eksklusibong interview ng JakBie sa 24 Oras, ibinahagi nila ang kanilang mga karanasan sa gitna ng ECQ pati na rin ang kanilang mga plano sakaling matapos na ang COVID-19 crisis sa bansa.

Kamakailan, dahil food trip ang kanilang bonding, gumawa ng vlog ang couple kung saan tinuruan ni Jak si Barbie na magluto ng Beel Salpicao through video call.

Ayon kay Jak, muntik nang maging disaster ang niluto nilang pagkain, “Kasi nu'ng sinabi ko na 'yung garlic kailangan i-fry, 'di niya nilagyan ng oil.”

Sagot naman ni Barbie, “In my defense, nawalan ng signal. So 'yung video call namin nawala, tapos nu'ng naka-connect na ako ulit sa video call, ipinakita ko sa kanya. Sabi niya, 'Palitan mo, palitan mo. Hindi na masarap 'yan. Mapait na 'yan. Sinunog mo, e.”

🎼 Can we always be this close? Forever & ever

Isang post na ibinahagi ni Barbie Forteza (@barbaraforteza) noong

WATCH: Food tripping nina Barbie Forteza, Jak Roberto at Sanya Lopez sa Osaka, Japan!

Bukod sa isa't isa, miss na rin daw nila ang kanilang food at out of the country trips. Balak din daw nilang pumunta sa South Korea nitong April pero naudlot dahil sa ECQ.

Sa September naman ay plano nilang pumunta sa America para dalawin ang manganganak na kapatid ni Barbie.

“Sa September sana kung tapos na lahat ng 'to, wala ng aberya, e sana isama ko siya sa Ate ko…sa Chicago,” sabi ni Barbie.

Giit naman ni Jak, hindi pa ligtas na umalis hanggang wala pang vaccine para sa virus.

“Vaccine muna siguro para talagang sure kasi mahirap maging kumportable tulad ng mga ibang gumaling na pero nahahawa ulit.

Hangga't wala talagang vaccine, hindi talaga safe na mag-travel o magpunta kahit saan,” aniya.

Panoorin ang buong 24 Oras report: