GMA Logo jak roberto rocco nacino
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Jak Roberto at co-stars sa 'The Missing Husband,' nagkabukingan

By EJ Chua
Published October 12, 2023 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

China taxes condoms, contraceptive drugs in bid to spur birth rate
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto rocco nacino


Sino kaya ang laging missing sa set ng action suspense drama na 'The Missing Husband?' Alamin DITO:

Mayroong ibinunyag ang ilang mga aktor ng The Missing Husband tungkol sa kanilang co-stars.

Sa isang online exclusive video, mapapanood na kasama nina Rocco Nacino, Jak Roberto, Sophie Albert, at iba pa ang kanilang co-actors sa serye habang nasa isang kwarto.

Game na game nilang ginawa ang "Who's Who" challenge.

Sa challenge na ito, sinagot nila ang ilang katanungan tungkol sa set ng kanilang show at pati na rin ang tungkol sa buong cast nito.

Kabilang sa sinagot nila ay kung sino ang laging marites o ma-chika habang sila ay magkakasamang nagte-taping.

Sagot ni Jak, “Si Yas [Yasmien Kurdi].”

Kasunod nito, sumang-ayon ang co-stars ni Jak na sina Rocco, Cai Cortez, Michael Flores, at iba pa.

Inilarawan din nila ang pagiging ma-chika ng aktres.

Nang tanungin naman sila kung sino ang laging missing sa set ng The Missing Husband, pabirong sumagot si Jak.

Sabi ng Sparkle hottie, "Si Anton [Rocco Nacino].”

Paliwanag ni Jak, “Missing sa standby, pero nasa set.”

Pahapyaw naman ni Cai, “Kasi, palagi talaga kaming tambay sa kanya-kanyang tent.”

Makulit na sagot ni Rocco, ang makeup artist niya raw ang laging nawawala.

Samantala, sa ilang panayam, una nang ibinahagi ng cast na happy silang lahat tuwing nasa set ng afternoon series.

Para kay Yasmien, itinuturing daw na pamilya ang kanyang co-stars.

Panoorin ang online exclusive na ito: