GMA Logo jak roberto and kazel kinouchi
Source: Jak Roberto and Kazel Kinouchi (IG)
What's on TV

Jak Roberto at Kazel Kinouchi, binanggit ang kaabang-abang na plot twists sa 'My Father's Wife'

By Aedrianne Acar
Published July 16, 2025 11:23 AM PHT
Updated July 16, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran’s Ricardo laments 'ugliest quarter' of season in Game 1 loss vs San Beda
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto and kazel kinouchi


Alamin dito ang mga aabangan sa 'My Father's Wife':

Patuloy na subaybayan ang umiinit at tumitinding mga eksena sa GMA Afternoon Prime series na My Father's Wife.

Ayon kay Jak Roberto, na gumaganap bilang Gerald, mas mabibigay ang mga susunod na mangyayari sa kanilang teledrama.

Kuwento ni Jak sa "Chika Minute," “Papunta na kami sa week eight, so, pabigat na nang pabigat. Malupit na talaga 'yung mga twist, mga plot twist ng storya.”

Inalala naman ni Kazel Kinouchi, na gumaganap bilang kontrabidang si Betsy, ang viral scene nila ni Kylie Padilla nang malaman ng karakter niya na buntis si Gina at ang ama ng baby ay si Gerald.

“Yung galit ako, 'tapos, hinabol ko si Gina [Kylie], kasi nga nahuli ko na she is pregnant. That's all shouting, anger, crying.”

Source: 24 Oras & GMA Network

Dahil busy sila sa taping ng My Father's Wife, naisipan ng seasoned actor na si Gabby Concepcion na magkaroon sila ng bonding moment noong July 9 sa pamamagitan ng paglalaro ng pickleball.

Bakit daw mahalaga ang ganitong experience para kay Gabby?

“Parang team building lang yan pagka 'yung kaharap mo, hindi mo siya masyado kilala, hindi ka familiar ang hirap ilagay dun 'yung character.”

Kaya huwag nang magpapahuli, panoorin ang My Father's Wife simula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng It's Showtime sa oras na 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime!

RELATED CONTENT: Exclusive Look: Behind-the-scenes of My Father's Wife: