
Naging emosyonal ang magkapatid na sina Jak Roberto at Sanya Lopez sa unveiling ng German Moreno Studio sa GMA Network.
Kasabay ng pagdiwang ng 85th na kaarawan ng Master Showman ang pagbubukas ng studio na magbibigay pugay sa alaala ng yumao na host at talent manager.
Nagbalik-tanaw si Jak kung paano sila nagsimula ng kapatid na si Sanya noon sa programa ni Kuya Germs na Walang Tulugan with the Master Showman.
IN PHOTOS: GMA Network unveils German Moreno Studio
Aniya, “Dito rin kami sa studio na ito unang tumungtong noon, nag-start pa lang kami sa Walang Tulugan.”
“So kanina pagbukas ng curtain nakita namin na German Moreno Studio na siya, itong Studio 6, sobrang nakakakilabot in fact parang naiiyak na nga kami ni Sanya kasi finally, sabi nga ni Tito Frederico na hindi inisip ni Tatay na magkakaroon siya ng ganito, na ipapangalan sa kaniya 'yung Studio 6.”
“We're so happy, sobrang miss namin si Tatay. Birthday niya ngayon so napakalaking regalo nito para sa kaniya kung nasaan man si Tatay ngayon, I'm sure masayang-masaya siya.”
Dagdag naman ni Sanya, “Nakakatuwa kasi sobrang naging loyal talaga si Kuya Germs dito sa GMA. Nakakatuwa lang na hindi rin naming in-expect na ganito 'yung magiging regalo ni Tatay at masayang-masaya kami para sa kaniya.”