
Tutok raw ngayon si Jak Roberto kanyang workout routine.
“Dumaan 'yung months na puro taping, trabaho; minsan wala ng time mag-workout. Siyempre, napapabayaan mo 'yung health mo, 'yung katawan mo.” paliwanag ni Jak sa panayam sa kanya ng "Chika Minute" sa 24 Oras.
Priority niya ngayon ang kanyang overall health sa pamamagitan ng pagwo-work out kasama ang kanyang kapatid at Kapuso actress, Sanya Lopez.
Sa isang Instagram post, ipinakita niya ang 'workout bonding' nila ni Sanya sa kanyang bahay.
“Kapag nagkakaroon ng time na makapag-workout kami together, niyayaya ko siya sa bahay kasi parang isang kanto lang naman 'yung layo ng bahay ni Sanya sa bahay ko.” sabi ni Jak.
Ayon pa kay Jak, binabawasan niya ang kanyang food intake ngayong mga nakakaraang buwan kahit mahirap ito gawin ngayong holiday season bilang paghahanda na rin kung may dumating man na proyekto sa susunod na taon.
“Last year, 'yan ang naging problema ko. Ber months, tapos 'yung project ko January. Right now, kung may pagkakataon, ayoko nang parang sumagad ng kain or magpabaya ng weight this coming 2026 dahil baka may biglaang project; tapos 'di ka ready, mahirap maghabol.” paliwanag ni Jak.
Isa rin sa tinututukan ni Jak ngayon bukod sa pag-aalaga sa sarili ay ang kanyang skin care business na JC Essentials. Kailangang daw maging wais sa pera dahil hindi naman palaging may show or project.
“'Di naman tumitigil ang bayarin, so kailangan namin mag-isip ng ibang source of income.” sabi ni Jak.
Si Jak Roberto ay huling napanood sa GMA's Afternoon Prime series na My Father's Wife, kung saan umani siya ng atensyon at papuri mula sa viewers sa kanyang galing sa pag-arte. Gumanap siya rito bilang si Gerald, ang lalaking pinag-aagawan ng mga karakter nina Kylie Padilla at Kazel Kinouchi.
Related Gallery: The Hottest Photos of Jak Roberto