
“Kahit hindi niyo i-bleep… Grabe 'to, ayaw ko nang makatrabaho [...] si Sanya [Lopez].”
Iyan ang diretsang sagot ng Kapuso hunk na si Jak Roberto nang tanungin ni Lutong Bahay host Mikee Quintos kung sino ang artistang ayaw niya nang makatrabaho on screen.
Ayon kay Jak, challenge para sa kaniya makaeksena ang kapatid na si Sanya dahil hindi nila mapigilang tumawa sa set.
“Bakit si Sanya?” tanong ni Mikee.
Kuwento ni Jak, “Kasi nagtatawanan kami kapag nagkakatinginan kami sa [set]. 'Di ba 'pag uma-acting kami, e di seryoso 'yung eksena, [pero] hindi namin kaya!”
LOOK: Sanya Lopez's prettiest photos
Binalikan din niya ang 2014 GMA Drama na Half Sisters kung saan unang nakatrabaho niya si Sanya kasama sina Barbie Forteza at Thea Tolentino.
“Seryoso na 'yung eksena, nag-iiyakan na 'yung dalawang artista tapos nagkatinginan kami, [...] wala na. Tapos after nun, tumawa na kami nang tumawa,” kuwento ni Jak sa Lutong Bahay.
Sa kabila nito, open naman si Jak na makatrabaho kapatid sa isang drama project.
“Puwede naman [mag-drama], pero ngayon parang pakiramdam ko challenge talaga. Kapag nagkatinginan kami, puro kami asaran sa bahay,” ani Jak.
Samantala, mapapanood naman si Sanya Lopez GMA family drama na Pulang Araw kasama sina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards, at Dennis Trillo.
Pulang Araw: Ang mga larawan bago ang giyera