What's on TV

Jak Roberto, bibida sa Valentine episode 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published February 13, 2026 10:09 AM PHT
Updated February 13, 2026 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Austria eyes intensifying cooperation with PH on healthcare, AI
Mga sinalanta ng Bagyong Basyang sa Iligan, hinatiran ng foodpacks ng GMAKF | 24 Oras
Mga Balay sa mga Retiradong Air Force sulod sa Mactan Airbase, Gipangguba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibida si Jak Roberto sa special Valentine's Day episode ng 'Magpakailanman.'

Si Kapuso actor Jak Roberto ang bibida sa bagong episode at special Valentine's Day presentation ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Gaganap siya dito bilang Joshua, public school teacher na na-diagnose ng bipolar disorder sa episode na pinamagatang "Sa Kabila ng Lahat."

Honor student at campus leader si Joshua pero tila unstable ang kanyang mga emosyon noong pa lang kabataan niya.

Dahil sa kahirapan, hindi agad na-diagnose at nagamot ang mental illness ni Joshua.

Sa kanyang pagtanda, dala pa rin niya ang kundisyon na nakakaapekto sa kanyang pang-araw araw na buhay, kabilang na ang kanyang romantic relationships.

Makakahanap kaya si Joshua ng tanong tunay na magmamahal sa kanya?

Makakasama ni Jak sa episode sina Liezel Lopez, Glenda Garcia, William Lorenzo, Alex Medina, at Zonia Mejia.

Abangan ang brand-new episode at Valentine's Day special na "Sa Kabila ng Lahat," February 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.