
Nasa Boracay ngayon para sa kanyang Holy Week vacation si Pambansang Abs Jak Roberto.
Habang naroon, isang milestone ang narating niya sa kanyang Instagram account! Umabot na kasi ng 300,000 followers ang account niyang @jakroberto.
Para i-celebrate ito, nag-post siya ng litrato kasama ang isang sand sculpture kung saan nakasaad ang kanyang follower count.
Kasalukuyang napapanood ngayon si Jak sa GMA Telebabad series na Meant To Be. Kasama niya dito sina Barbie Forteza, Ken Chan, Ivan Dorschner at Addy Raj.
MORE ON JAK ROBERTO:
EXCLUSIVE: 'Pambansang Abs' Jak Roberto gives tips kung paano magkaroon ng summer body
EXCLUSIVE: Jak Roberto reveals na nakikinig sila sa mga ideas ng fans para sa 'Meant To Be'