GMA Logo Jak Roberto
Source: jakroberto/IG
Celebrity Life

Jak Roberto celebrates birthday with fans

By Kristian Eric Javier
Published December 22, 2025 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


May bagong proyekto si Jak Roberto na dapat abangan ng kaniyang fans.

Naging espesyal ang kaarawan ni Jak Roberto na ipinagdiwang niya kasama ang fans. Ayon sa aktor, mahalaga para sa kaniya ang mga taong walang tigil sa pagsuporta noong nagsisimula pa lang siya hanggang ngayon.

“Hanggang ngayon, 'yung lahat ng face na nakikita ko since day one, nu'ng nag-start ako sa showbiz, nandito pa rin sila at nadadagdagan pa,” sabi ni Jak sa panayam sa kaniya ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend.

Hiling naman ni Jak para sa kaniyang kaarawan, good health at consistent sources of income. Ipinahayag din ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat sa blessings na natanggap ngayong taon.

“Stable ako sa negosyo, stable ako sa career, ang dami kong nadidiscover na mga new hobbies, may mga new friends, at may mga new business partners,” sabi ng aktor.

KILALANIN ANG ILAN SA CELEBRITIES NA MERON NANG MGA NEGOSYO SA GALLERY NA ITO:

Bonus pa sa paparating na bagong taon para sa aktor ang bagong project na aabnagan ng kaniyang fans. Pagbabahagi ni Jak, isa itong pelikula kung saan makakasama niya ang isang co-star na nakatrabaho na niya noon.

Ngunit hindi muna nagbigay ng iba pang detalye ang aktor. Sa halip, sinabi niya, “Medyo bigyan muna natin ng bitin sila.”

Sa hiwalay na panayam sa kaniya ni Nelson Canlas noong contract renewal niya sa GMA Network, sinabi din ni Jak na naging malaking tulong sa kaniya ang pagiging single para makapag-focus sa growth and career goals.

Dahil umano rito ay nakatuklas siya ng mga bagong interests at opportunities.

“Ang dami kong na-realize nung naging single ako. Mas focused ka sa sarili mo at mas focused ka sa goals mo. Mas marami palang puwedeng gawing negosyo at hobbies na puwedeng i-explore,” sabi ni Jak.

Noong September ay nagbukas si Jak ng bagong restaurant business sa Tomas Morato, Quezon City. Dagdag pa ito sa nauna niyang skincare brand na inilunsad niya noong 2023.

Panoorin ang panayam kay Jak dito: