What's on TV

Jak Roberto, gaganap bilang boksingero sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published November 5, 2021 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto on #MPK


Gaganap si Jak Roberto bilang isang boksingero sa fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Bibigyang-buhay ni Kapuso actor Jak Roberto ang kuwento ng isang boksingero sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap si Jak bilang Jonel, isang amateur boxer na gagawin ang lahat para mapagtapos ang kanyang asawang si Mylen o Mai, isang working student.

Gagamitin niya ang kaalaman niya sa boxing para kumita ng pera para sa tuition ni Mai.


"Tungkol 'to sa boxer na pinagtapos niya 'yung wife niya sa pagba-boxing. Naging scholar niya 'yung wife niya. Hindi siya laging nananalo sa boxing. Nakaka-inspire kasi talagang kahit na wala siyang training, tinatanggap niya 'yung laban para lang ma sustain niya 'yung pag-aaral nung asawa niya," kuwento ni Jak sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong November 3.

Ang aktres na si Elle Villanueva naman ang gaganap bilang asawa ni Jonel na si Mai. Hanga raw si Elle sa boksingero dahil hindi nito iniinda ang sakit ng katawan at pilit na nagpupusigi para sa asawa.

"Ako 'yung wife ni Jak. Lagi siyang natatalo kasi walang training or kunwari may laban siya today tapos the next day makikipaglaban siya ulit para lang masustentuhan ako, 'yung wife niya," paliwanag niya.

Na-inspire raw siya sa kuwento dahil sa sakripisyo ni Jonel para sa asawa nito.

"Ang ganda ng story kasi nag-iipon talaga sila para sa future nila. May patutunguhan talaga 'yung buhay nila. Nakaka-inspire lang mag-portray ng character na ganito, may pangarap talaga sa buhay," pahayag ni Elle.

Tunghayan ang pambihirang kuwento ng pagsasakripisyo sa fresh at brand new episode na "Boxer and His Scholar," ngayong Sabado, November 6, 8:15 p.m. sa #MPK.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: