What's on TV

Jak Roberto, gaganap bilang teacher na may bipolar disorder

By Marah Ruiz
Published February 13, 2026 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Nasa 10 bahay sa Brgy. Pinagbuhatan, nasunog
'Huwag Kang Titingin,' may pasilip sa mga nakakakilabot scenes
J Brothers On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Gaganap si Jak Roberto bilang teacher na may bipolar disorder sa 'Magpakailanman.'

Lubos daw na-challenge si Kapuso actor Jak Roberto sa pagganap niya sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibida kasi siya sa Valentine's Day episode nito kung saan gaganap siya bilang teacher na may bipolar disorder.


"Grabe, ito na yata 'yung pinaka challenging role na nagawa ko, buong Magpakailanman episode ko. Tinalo pa nito 'yung isang buong teleserye — 'yung emosyon, lahat lahat and 'yung preparation," pahayag ni Jak.

Umaasa naman siyang maka-inspire at makapagbigay-alam ang episode tungkol sa mental health.

"Mahalagang issue 'to na nangyayari sa panahon ngayon. Medyo sensitive pero pinakita namin dito kung paano nareresolba ang bawat problema at ang bawat karamdaman kagaya nito," bahagi ng aktor.

Bukod dito, isa ring love story ang episode lalo na at ipapalabas ito sa mismong Araw ng mga Puso.

"Interesting 'yung istorya kasi despite doon sa condition niya, may isang babaeng tumanggap sa kanya at nagmahal nang buong puso, unconditionally," paliwanag ni Jak.

Abangan ang brand-new episode at Valentine's Day special na "Sa Kabila ng Lahat," February 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Samantala, panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Jak Roberto sa 24 Oras sa video sa itaas.