
May bagong achievement ang Sparkle star at Kapuso hottie na si Jak Roberto.
Opisyal nang ipinakilala ni Jak ang JC Essentials, ang kauna-unahan niyang business.
Nito lamang Miyerkules, October 18, 2023, sa isang hotel sa Quezon City, idinaos ang product launch para sa negosyo ni Jak. Sa naturang event, masayang ibinida ng aktor ang kaniyang men's hygiene products.
Ang kaniyang kompanya ay nagbebenta ng soap at mayroon ding masculine wash, na ayon sa kaniya ay maaari ring gamitin ng mga babae.
Present sa event ang nanay ni Jak, ang ilan sa kaniyang mga kaibigan, mga distributors, ilang members ng press, at ilang mga kasamahan ng aktor sa GMA.
Dumalo rin sa event ang Senior Talent Manager for Sparkle GMA Artist Center na si Tracy Garcia.
Sa kalagitnaan ng event, ibinahagi ni Jak kung ano ang naramdaman niya nang magsimula na sila sa pag-reveal ng products.
Pahayag niya, “Grabe, parang kinikilabutan ako na ngayon nire-reveal na natin 'yung products… Sobrang dami po ng pinagdaanan namin bago mabuo itong products na ito. As in, kami po mismo 'yung nag-try nung masculine wash. Nakailang try po kami hanggang sa ma-perfect po namin.”
Dagdag pa niya, “Of course, 'yung gluta charcoal soap na talaga namang unang test pa lang in-approve na kaagad namin. Sana ma-try n'yo…”
Hindi maikakaila na excited at masaya si Jak sa kaniyang kauna-unahang business. Pero bukod sa pagiging CEO ng JC Essentials, abala rin si Jak sa kaniyang acting career.
Kasalukuyan siyang napapanood at hinahangaan ng viewers sa GMA action suspense drama series na The Missing Husband.
Ang The Missing Husband ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.