GMA Logo Jak Roberto
Source: jakroberto (IG)
Celebrity Life

Jak Roberto, ipinamalas ang husay sa billiards

By Marah Ruiz
Published April 28, 2026 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sangkaterbang sibuyas na 'di maibenta at nasira, itinapon na lang
APO, GIVE-UP na mag-aral para alagaan si LOLA | Barangay Love Stories
BINI meets Laufey at Billboard Women In Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Ipinamalas ni Jak Roberto ang kanyang husay sa billiards sa isang maikling video.

Nag-relax si Kapuso actor Jak Roberto kasama ang ilang kaibigan sa isang billiards hall kamakailan.

Ipinamalas din niya ang kanyang husay sa laro sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Source: jakroberto (IG)

Makikita dito ang pag-attempt ni Jak ng jump shot o 'yung pagpapatalon ng cue ball sa ibabaw ng isang bola para matamaan nito ang ibang bola.

Matagumpay itong naisagawa ni Jak at pumasok din sa pocket ang target niyang bola.

"Kala mo talaga!" sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Matatandaang naging bahagi ni Jak ng billiards-inspired sports drama series na Bolera kasama ang kapwa kapuso actress na si Kylie Padilla.

Muling namang magiging co-stars sina Jak at Kylie sa upcoming action series na Firewall.

Makakasama niya dito sina Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, at Buboy Villar.

Para paghandaan ang kanilang roles, magkakasamang sumabak sa training para sa practical at tactical shooting, pati na self-defense ang ang limang co-stars.

Abangan ang Firewall, soon on GMA!

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI JAK ROBERTO SA GALLERY NA ITO: