
Naghahanda na si Kapuso actor Jak Roberto para sa isang upcoming na teleserye.
Isa itong action series na may working title ito na Firewall at makakasama niya rito sina Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, at Buboy Villar.
Bilang paghahanda, magkakasamang sumabak sa training ang limang co-stars para sa practical at tactical shooting, pati na self-defense.
Ipinasilip ni Jak ang kanilang training sa isang vlog.
Makikita rito ang pagsasanay nila sa target shooting gamit ang handguns at rifles.
Sumabak din sila sa drills kung saan may obstacle course at targets.
"So bakit nga ba namin inaaral 'to? Kasi siyempre kailangan maging accurate lahat ng galaw namin sa Firewall at maging tama 'yung hawak sa baril, 'yung stance, 'yung form, etc. Today, magse-self defense training din kami so it's gonna be a long day," lahad ni Jak sa kanyang vlog.
Masaya rin ang naging biruan at kulitan ng limang Kapuso stars sa pagitan ng kanilang training.
May sweet moment pa si Jak kung saan tinutulungan niyang maglagay ng sunblock sa mukha si Kylie.
Panoorin ang training nina Jak Roberto, Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Miguel Tanfelix, at Buboy Villar dito:
Video courtesy of Jak Roberto (YouTube)