What's on TV

Jak Roberto, marunong mag-boxing kaya hindi nahirapan sa kanyang role sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published November 5, 2021 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Some Mayon evacuees getting sick as centers fill up amid volcanic unrest
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto on #MPK


Dahil marunong mag-boxing, hindi na nahirapan si Jak Roberto sa pagganap bilang isang boksingero sa fresh at brand new episode ng '#MPK.'

Kuwento ng isang viral na boksingero at kanyang asawa ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pinamagatang "Boxer and His Scholar," kuwento ito ni Jonel Borbon, ang boksingerong nakapagpatapos ng kanyang asawa sa kolehiyo sa pamamagitan ng boxing.

Tumatanggap si Jonel ng sunud-sunod na mga boxing matches para matustusan ang pag-aaral ng kanyang misis na si Mylen o Mai.

Image Source: Magpakailanman (Facebook)

Si Kapuso actor Jak Roberto ang gaganap bilang Jonel. Buti na lang at marunong siyang mag-boxing kaya hindi na siya nahirapan sa mga eksena ng mga laban ni Jonel.

"Masakit din kasi nagsusuntukan talaga. Pero masaya siyang gawin pang-workout, talagang nakaka-burn ng calories. Kung sanay ka ng treadmill, siguro mas mae-enjoy mo 'yung boxing, pang-cardio talaga. Malaking tulong 'yun sa role ko na boxer na nagkaroon ako ng training before, noong hindi pa nagpa-pandemic. Hindi na 'ko nahirapan sa mga stunts," pahayag ni Jak sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong November 3.

Samantala, batid din daw ang halaga ng edukasyon sa episode. Totoo rin daw ito para kay Jak sa tunay na buhay.

"Sa amin bilang artista, fall back namin lagi 'yan. Like ako, before ako pumasok ng showbiz, naka-graduate na 'ko ng two- year course na HRM (Hotel and Restaurant Management). Kung ano mang mangyari in the future, mayroon akong puwedeng gawin -- puwede akong magtayo ng restaurant, puwede akong magluto. Malay natin, at least mayroon tayong natapos. 'Yan 'yung bagay na hindi makukuha sa 'yo, 'yung knowledge and wisdom mo. 'Yan din 'yung magiging weapon mo sa lahat ng bagay," paliwanag ng aktor.

Tunghayan ang pambihirang kuwento ng pagsasakripisyo sa fresh at brand new episode na "Boxer and His Scholar," ngayong Sabado, November 6, 8:15 p.m. sa #MPK.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: