GMA Logo Jak Roberto
Source: jakroberto/IG
What's on TV

Jak Roberto, may mensahe para sa future girlfriend

By Kristian Eric Javier
Published October 13, 2025 3:53 PM PHT
Updated October 13, 2025 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards earns praise from co-stars Katherine McNamara, Byron Mann in upcoming int'l film
Alleged spoiled food served in Bacolod City LGU party
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Jak Roberto to his future girlfriend: 'Sana maintindihan mo 'yung trabaho'

May ilang buwan na ring hiwalay sina Jak Roberto at Barbie Forteza at ngayon nga ay na nali-link ang una sa kaniyang dating My Father's Wife co-star na si Kylie Padilla. Ang tanong ng fans ng aktor ngayon ay: handa na nga bang magmahal muli ang aktor?

Sa pagbisita ni Jak sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, October 10, nilinaw niyang hindi niya nililigawan si Kylie matapos magkaroon ng haka-haka ang netizens dahil sa napansin na sweetness at closeness ng dalawa.

Ani Jak, “Gusto kong ingatan 'yung kung ano 'yung meron kami bilang close na magkaibigan... First time ko kasi na magkakaroon ng girl best friend, if ever. Parang ganu'n na kasi 'yung treatment ko sa kaniya.”

Dahil dito, hiningan ni King of Talk Boy Abunda si Jak ng mensahe para sa kaniyang future girlfriend.

Saad ng aktor, “Dahil 'yung trabaho is hindi normal na parang may pagseselos minsan, 'yun kasi 'yung mahirap, e, especially kapag may leading lady, mapa-showbiz man o hindi, so sana intindihin niya lang 'yung trabaho and 'yung mga schedules, 'yun lang.”

Nang tanungin naman siya ng batikang host kung mas gusto ba ni Jak 'yung taong mahal siya o 'yung taong mahal niya, sinabi ng aktor na dapat pareho nilang mahal ang isa't isa.

“Parang dapat pareho, Tito, pantay. Give and take naman lagi sa relasyon, 'di ba?” sabi ni Jak.

Binalikan din ni Boy ang pag-apruba ni Jak sa nali-link naman ngayon kay Barbie na si Jameson Blake. Sa isang panayam kasi sa 24 Oras, ibinahagi ng aktor ang sinabi niya kay Jameson na mabait naman ang aktres at kailangan lang alagaan ito ng actor-dancer.

Ang tanong ni Boy, “Bakit it's about time ang nasabi mo?”

Sagot ni Jak, “For me kasi, si Barbs ngayon, she's 28 years old na and matagal na rin naman na kaming hiwalay, kumbaga. For me, happy na rin ako na may mga nakikilala na siya.”

Panoorin ang panayam kay Jak dito: