
Hindi napigilang mag-react ni Kapuso hunk Jak Roberto sa isang eksena sa GMA Telebabad series na Haplos.
Bida kasi rito ang nakababata niyang kapatid na si Sanya Lopez. Sa takbo ng kuwento, sumailalim sa isang ritwal ang karakter ni Sanya na si Angela para iwan ang kanyang mapait na nakaraan.
Suot ang isang printed na one-piece swimsuit, lumusong si Angela sa tubig at mayamaya ay aahon at ifi-flip pa ang kanyang basang buhok.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories, ipinaalam ni Jak ang kanyang kurokuro tungkol sa eksena.
Narito ang eksenang tinutukoy ni Jak:
Patuloy na panoorin ang Haplos, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Impostara sa GMA Afternoon Prime.