GMA Logo Jak Roberto
Courtesy: GMANetwork.com
What's on TV

Jak Roberto, nagbago mula nang pumasok sa showbiz?

By EJ Chua
Published October 27, 2023 2:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Ano kaya ang naidulot ng showbiz sa 'The Missing Husband' actor na si Jak Roberto? Alamin DITO:

Isa si Jak Roberto sa Kapuso at Sparkle stars na talaga namang sinusubaybayan ng Pinoy viewers.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jak, ikinuwento niya ang ilang detalye tungkol sa pagsisimula niya noon sa show business.

Ayon kay Jak, tila mayroon daw siyang napansin na pagbabago sa kanyang sarili nang siya ay mapunta sa entertainment industry.

Bukod sa nagbago ang takbo ng kanyang buhay, mayroon din umano siyang napansin na pagbabago sa kanyang pag-uugali.

Pagbabahagi ng Kapuso hottie, “Feeling ko ang nabago sa akin ay personality kasi parang mas naging conscious ako… the way na gumalaw or makipag-usap.”

“Mas naging nice ako sa mga taong nakakausap ko,” dagdag pa niya.

Si Jak ay patuloy na nakakatanggap ng papuri mula sa viewers ng action suspense drama series na The Missing Husband.

Napapanood siya sa serye bilang si Joed, ang pulis na kaibigan ngayon ni Millie, ang karakter naman ni Yasmien Kurdi.

Samantala, bukod sa acting career, abala rin si Jak ngayon sa kanyang kauna-unahang business.

Patuloy siyang subaybayan sa The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: