GMA Logo Jak Roberto Kylie Padilla Alas and Axel
Sources: jakroberto/IG, kylienicolepadilla/IG
What's on TV

Jak Roberto, nagpaliwanag sa pagbili niya ng toys para sa mga anak ni Kylie Padilla

By Kristian Eric Javier
Published October 13, 2025 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mare, Ano'ng Latest? (November 11, 2025) | Balitanghali
Alleged Dawlah Islamiyah-Maute Group member killed in clash
GSIS announces 3-month grace period on emergency loan payments for Typhoon Tino, Uwan's victims

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto Kylie Padilla Alas and Axel


Alamin kung bakit niregaluhan ni Jak Roberto ang mga anak ni Kylie Padilla rito.

Tila nalagay sa hot seat ang My Father's Wife actor na si Jak Roberto nang tanungin siya tungkol sa pagbili niya ng mga laruan para sa mga anak ni Kylie Padilla.

Sa pagbisita ni Jak sa Fast Talk with Boy Abunda, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang relasyon niya sa kaniyang co-star. Nilinaw ng aktor na hindi niya nililigawan si Kylie, at sinabing good friends lang sila.

Ngunit tanong ni Boy, “Kailangan mo huling ibinili ng laruan ang mga anak ni Kylie?”

Natatawang napatanong si Jak kung papaano nakarating ang balitang iyon sa batikang host, pero sinabing isang beses pa lang niya nabilhan ng laruan sina Alas at Axel, mga anak ni Kylie.

Ibinahagi rin ng aktor kung papaano nangyari at bakit binilhan niya sila ng laruan.

Kuwento ni Jak, “Papunta siyang Australia that time. E medyo nalulungkot siya kasi mahihiwalay siya sa kids niya for two weeks so nandu'n kami sa supermarket, 'yung parang location namin sa 'My Father's Wife', may tiningnan siyang toys du'n sa toys section.”

Tinanong umano ng co-star nilang si Kazel Kinouchi kung ano'ng laruan ang gusto nina Alas at Axel, na sinagot naman ni Kylie.

“'Walang problema 'yan. Jak!' Tinawag ako. Sabi ko, 'Bakit bigla akong kasali?' Sa set kasi parang mga staff and mga co-actor namin, binibiro-biro na kami, naasar na kami together,” pagpapatuloy ni Jak.

BALIKAN ANG QUALITY TIME BONDING NINA KYLIE AT NG KANIYANG MGA ANAK SA GALLERY NA ITO:

Kuwento ng aktor, noong una ay hindi pumayag si Kylie na bilhin niya ang mga laruan, ngunit nagpumilit siya para umano hindi malungkot ang mga anak ng aktres kapag umalis ito papuntang Australia.

“Kasi mahilig sa soccer 'yung dalawa. So after that, kinagabihan, parang naglaro na agad 'yung kids niya ng soccer so parang nakakatuwa na na-appreciate naman 'yung regalo,” pagpapatuloy ni Jak.

Dagdag pa ng aktor, “And sabi ko sa kaniya, 'O 'di ba? At least hindi malulungkot 'yung kids mo, may paglilibangan, 'di ka laging kukulitin.'”

Panoorin ang panayam kay Jak dito: