GMA Logo jak roberto on quizmosa
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Jak Roberto, nakipagkulitan sa 'Quizmosa' ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published October 17, 2024 6:11 PM PHT
Updated October 17, 2024 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jak roberto on quizmosa


Hinulaan ng mga "Quizmosa" kung aling body parts madalas ang hinahawakan ng fans kay Jak Roberto. Panoorin dito:

Exciting ang unang episode ng "Quizmosa" ng TiktoClock dahil naka-bonding ng mga Tiktropa si Jak Roberto.

Ang "Quizmosa" ay ang pinakabagong showbiz quiz segment ng TiktoClock. Lahat ng mga mahilig sa chika at ang mga bida-bida sa kwentuhan ay makakasali sa "Quizmosa" at maaaring manalo ng PhP 10,000.

Quizmosa Tiktoclock

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Sa unang episode ng "Quizmosa" ay napanood si Jak Roberto at nakipagkulitan sa mga Quizmosa players na sina Mosley, Jhoanna, at Elaine. Hinulaan nila kung aling mga parte ng katawan ni Jak ang madalas nahahawakan ng fans. Sa kanilang tatlo, si Elaine ang pinamaraming nahulaan.

Kaya tanong ng Tiktoclock host na si Herlene Budol, "Bakit alam na alam mo ang mga tsismis kay Jak Roberto? Stalker ka ba niya?

Sagot niya nang nakangiti, "Siya lang naman yung crush at idol ko."

Hiriti naman ni Jak, "Akala ko kapitbahay kita!"

Samantala, tinanong naman nina Pokwang at Kuya Kim kung ano ang reaksiyon ng girlfriend niyang si Barbie kapag hinahawakan ng fans ang kanyang abs.

Panoorin ang sagot ni Jak dito:

Patuloy na samahan sina Pokwang, Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Jayson Gainza, at Herlene Budol sa paboritong tambayan bago mananghalian. Tumutok na sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at GTV.