What's Hot

Jak Roberto, nakita na ang pamalo na gagamitin sa kapatid na si Sanya Lopez

By Marah Ruiz
Published October 13, 2017 6:42 PM PHT
Updated October 13, 2017 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Idinaan na naman ni Kapuso hunk Jak Roberto sa biro ang kanyang reaction sa mga sexy scenes ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez sa GMA Afternoon Prime series nitong Haplos.

Idinaan na naman ni Kapuso hunk Jak Roberto sa biro ang kanyang reaction sa mga sexy scenes ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez sa GMA Afternoon Prime series nitong Haplos.

Sa isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, mapapanood na pabiro niyang tinatakot si Sanya gamit ang dalawang Arnis sticks. 

"Nasan na 'yung pamalo ko? Bakit ka sasayaw-sayaw ng ganoon, ha? Dapa!" biro niyang banta. 

 

Sawakas nakita ko na pamalo ko #HaplosSayaw #Haplos ????????

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Sa takbo kasi ng istorya ng Haplos, nabihag ang karakter ni Sanya na si Angela sa isang casa kung saan napilitan siyang magtrabaho bilang si Exotica, isang sexy dancer.

 

Minsan nang nag-react si Jak tungkol sa mga eksena ni Sanya sa serye. Pabiro din siyang naghanap ng pamalo matapos mapanood ang ang swimsuit scene ng kapatid. 

Jak Roberto nag-react sa swimsuit scene ng kapatid na si Sanya Lopez sa 'Haplos'