
Mapapasabak sa matinding drama si Jak Roberto sa pagganap niya sa upcoming Valentine's Say episode ng drama anthology series na Magpakailanman.
Gagampanan ni Jak ang isang teacher na may bipolar disorder na ayon sa aktor, ay isa sa mga pinaka-challenging na role niya sa naturang series.
"Grabe, ito na ata 'yung pinaka-challenging role na nagawa ko sa buong Magpakailanman episode ko. Talo pa nito 'yung isang teleserye. May emosyon, lahat-lahat, preparation," sabi ni Jak sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras.
Ang bipolar disorder ng karakter ni Jak, na-trigger dahil sa anxiety at depression nito. Kaya naman, layon din ng episode na maka-inspire at mas palawigin pa ang kaalaman tungkol sa mental health issues.
"Mahalagang issue ito sa nangyayari sa panahon ngayon. Medyo sensitive pero pinakita namin dito kung papaano nareresolba ang problema at ang bawat karamdaman kagaya nito," sabi ni Jak.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA UMAMING MAYROON SILANG BIPOLAR DISORDER SA GALLERY NA ITO:
Sa kabila ng mabibigat na mga eksena, hindi naman mawawala ang kilig, lalo na at eere ang naturang episode sa mismong Araw ng mga Puso.
"Interesting 'yung storya kasi despite du'n sa condition niya, may isang babae na tumanggap sa kanya at nagmahal nang buong puso, unconditionally," sabi ni Jak.
Puno man ng pagmamahal si Jak sa kanyang Magpakailanman role, aminado siyang zero ang kanyang love life at dateless siya ngayong Valentine's Day. Mas priority umano ng aktor ang paghahanda para sa upcoming action-drama series nila na Task Force: Firewall.
"Wala e, medyo ito nga, busy sa trabaho. Speaking of, 'di ba magkakaroon na rin ng serye, mag-start na kami ng taping, so kailangan natin ulit magpakondisyon and mag-ready para du'n," sabi ni Jak.
Pagpapatuloy niya, "Trabaho muna. Me, myself, and I."
Panoorin ang panayam kay Jak dito: