GMA Logo Barbie Forteza and Jak Roberto
Celebrity Life

Jak Roberto, natuwa sa naging balik sa kanya ng 'anti-silos'

By EJ Chua
Published December 2, 2023 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Jak Roberto


Binalikan at inalala ng 'The Missing Husband' star na si Jak Roberto ang nag-viral na 'anti-silos' campaign.

Isa si Jak Roberto sa Sparkle stars na talaga namang sinusubaybayan ngayon ng Filipino fans hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa social media.

Kamakailan lang, mas naging maingay ang pangalan ni Jak sa social media nang mag-viral ang “anti-silos.”

Marami ang naka-relate sa konsepto ng “anti-silos” na pinauso ng netizens at kalaunan ay nakarating na ito sa Kapuso hunk na tinaguriang Pambansang Abs.

Nang mag-guest si Jak sa online show na Updated with Nelson Canlas, ibinahagi ng una kung ano ang reaksyon at naidulot sa kanya ng “anti-silos.”

Ayon sa The Missing Husband actor, “Kaysa magpaka-toxic ka, i-overthink mo lahat nung sinasabi sa'yo lahat nung ginagawang meme sa'yo, mas makapag-isip ka kasi kung relax ka lang or hindi ka masyadong nag paapekto ro'n or kung sabi nga nila, if you cannot beat them join them 'di ba?”

Dagdag pa niya, “Parang gano'n na lang ginawa ko eh, so gusto n'yo ha Prof Jak ha o ayan. Everything na. may request kayo walang problema sayawin ko yung anti-silos dance na yan and masaya naman sila and after nun. Hindi ko ine-expect na sasabihin nila na nakakatuwa si Jak hindi siya pikon. Ganun 'yung mga nabasa kong feedback eh.”

Bago pa ito, ibinahagi ni Jak kung saan sa tingin niya nagmula ang “anti-silos.”

Sabi niya, “Kahit ako hindi ko alam paano nagsimula yan eh. Basta natatandaan ko na nag-viral 'yan nung after nung Gala nitong nakaraan. Naglakad ako mag-isa, naglakad si Barbie mag-isa. At saka si David mag-isa.”

Kasunod nito, sinabi niyang biglang may nagtanong kung bakit mag-isa lamang siyang naglakad sa event.

Ayon sa kanya, “Natanong ako kung bakit daw ako naglakad mag-isa. Tapos tinanong ako kung hindi daw ba ako nag-selos… Tapos sabi ko parang hindi, professional lang tayo, etcetera.”

“Tapos nag-went viral na yun na parang 'yung tao, hindi ko alam, for some reason. 'Yung simpatya nila na hindi ko naman kumbaga hindi ko naman ine-expect or 'di ko naman kailangan, bigla. Kasi wala naman talaga akong dapat ipagka-selos, so sila yung parang hindi naniniwala. Tsaka parang sinasabi nila, hindi ako. Parang, kung ako 'yan ganito, ganyan, ganon magseselos,” dagdag pa ng aktor.

Para kay Jak, tinatanggap niya ang lahat professionally dahil alam niya ang takbo ng kanilang karera ng kanyang real-life girlfriend na si Barbie Forteza.

Sabi niya, “Siyempre iba naman 'yung mundo ng pagiging artista. Kasi siyempre profession namin yan. Alam namin kung paano magkaroon ng chemistry sa bawat kapartners namin, sa magkaroon ng kilig. Iyon 'yung trabaho namin eh. So parang for me hindi siya ka-selos-selos…”

Kasalukuyang napapanood si Jak sa ongoing GMA action suspense drama series na The Missing Husband.

Dahil sa kanyang excellent acting skills sa serye, patuloy siyang nakakatanggap ng papuri.