GMA Logo Jak Roberto on being friends with Barbie Forteza
Photo source: FTWBA
What's on TV

Jak Roberto, open na makipagkaibigan kay Barbie Forteza

By Karen Juliane Crucillo
Published October 12, 2025 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto on being friends with Barbie Forteza


Jak Roberto kay Barbie Forteza: “Puwede maging magkaibigan kami muli.”

Matapos ang kanilang paghihiwalay noong January ngayong taon, nanatili ang respeto sa pagitan nina Jak Roberto at Barbie Forteza.

Sa panayam ni Jak Roberto sa Fast Talk With Boy Abunda noong Biyernes, October 10, ibinahagi ng aktor kung sila ba ni Barbie ay magkaibigan pa matapos tanungin ni King of Talk Boy Abunda.

“Now, ako puwede ako, Tito Boy. Like pwede maging magkaibigan kami muli,” diretsahang sagot ni Jak.

Ikinuwento ng My Father's Wife star na lahat ng ng ex niya ay naging kaibigan niya muli, kaya wala raw problema ito para sa kanya.

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob, kumbaga huwag na natin isipin 'yun.”

Ibinahagi rin ni Jak na ang huling usap nila ni Barbie ay noong 75th anniversary ng GMA Network, kung saan binati niya ang aktres tungkol sa kanyang mga proyekto.

“Mayroon na akong lakas ng loob para makipag-usap sa kanya. Naging closure siya for me,” pahayag niya.

Ayon pa sa Kapuso actor, masaya siya sa naging relasyon nila ni Barbie.

"Hindi rin naman biro ýung seven years, and masaya ako kung ano man 'yung nangyari sa amin dahil sa bawat relasyon naman, mapatagal man or maiksi, lagi kang may matututunan and laging may opportunity na parating sa 'yo,” aniya.

Isinapubliko ni Barbie Forteza noong January 2 sa Instagram ang breakup nila ni Jak Roberto.

RELATED GALLERY: Barbie Forteza and Jak Roberto's relationship timeline