What's Hot

Jak Roberto, piniling maglakad ng solo sa GMA Gala 2023

By Kristian Eric Javier
Published July 28, 2023 4:36 PM PHT
Updated July 28, 2023 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto


Sa interview ni Jak kay Aubrey Carampel sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras ipinaliwanag ng aktor ang naging desisyon nito.

Naging usap-usapan ang paglalakad ng solo ni Jak Roberto sa katatapos lang na GMA Gala 2023. Inaabangan kasi ng marami kung sasabayan ba niya si Kapuso Primetime Princess at Maging Sino Ka Man star Barbie Forteza.

Sa interview ni Jak kay Aubrey Carampel sa 'Chika Minute' para sa 24 Oras ipinaliwanag ang naging usapan nila ng kanyang real life girlfriend.

“Para mas ma-emphasize yung design ng damit ta's maka-lakad ng solo. Magandang bagay din 'yun para mai-flaunt mo 'yung suot mo and ma-establish mo 'yung sarili mo sa camera,” paglilinaw ng aktor.

LOOK: KILIG MOMENTS OF BARBIE AND JAK:


Dagdag pa niya ay kahit sa gala noong nakaraang taon ay solo din silang lumakad sa red carpet, at sinabing inantay lang niya sa dulo si Barbie para sabay tumuloy sa event.

Paglilinaw naman ng aktor ay “seatmate” sila sa table kasama ang co-stars nila sa All-Out Sundays.

Bago ang gala event ay nag-tweet na si Barbie tungkol sa solo walk niya sa red carpet at sinagot ang mga haka-haka ng mga netizens tungkol dito. Post ng aktres, “What's a girl gonna do? A diamond's gotta shine.”

Samantala, bilang suporta kay Jak, pinost naman ni Barbie sa kanyang Instagram story photo post ng isang magazine tungkol kay Jak na nilgyan ng caption na: “We need a Jak Roberto - Someone who's not afraid to let us shine and supports our career choices.”

Sa caption ng post, sinabi ng magazine na maaaring naging kontrobersyal ang paglakad ni Barbie sa red carpet ng solo pero ang paniniwala nila ay gusto lang ng binata na magkaroon ito ng well-deserved moment sa spotlight.

A post shared by Cosmopolitan Philippines (@cosmopolitan_philippines)

Panoorin ang buong interview ni Jak sa cover video sa itaas.