Celebrity Life

Jak Roberto, regular ang komunikasyon kay Barbie Forteza habang quarantine

By Marah Ruiz
Published July 23, 2020 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Jak Roberto


Hindi man madalas nagkikita, maayos naman daw ang komunikasyon nina Jak Roberto at Barbie Forteza ngayong quarantine.

Regular daw ang video calls ng magkasintahan at kapwa Kapuso stars na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ngayong quarantine.

Ito daw ang naging main form ng kanilang communication habang hindi pa pwedeng masyadong magkita dahil sa banta ng COVID-19.

"Since bawal tayong bumisibita dahil nga minsan nagkakaroon tayo contact sa ibang tao na hindi natin alam kung carrier. Para maging safe, mas maganda 'yung bahay ka lang muna," pahayag ni Jak sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.

Mahalaga daw para kay Jak ang constant communication sa panahon ngayon.

"Mahalaga po talaga 'yung communication lalo na ngayon na nagkaroon ng lockdown. Marami daw nag-break up, sabing ganoon. For me, hindi ko ma-gets kasi importante lang naman doon 'yung communication and trust sa isa't isa," bahagi ni Jak.

"Kung 'yun ang mawawala, feeling ko 'yun talaga 'yung magiging dahilan ng paghihiwalay. Una mawawala 'yung trust. pangalawa, mapa-praning 'yung partner mo kung anong gingawa mo kasi wala kayong communication. Feeling ko 'yun lang 'yung dalawang mahalaga ngayon new normal," dagdag pa nito.



Bukod dito, mature na rin daw silang dalawa lalo na kapag may tampuhan.

"Para sa amin po kasi, hindi namin pinabibigat 'yung isang bagay. For example, 'yung the usual na hindi naman maiiwasang mag-aaway. Kung mayroon pong mga ganoong bagay, hindi namin pinapalagpas na umabot pa kinabukasan. Kung sa tingin namin, mali naman kami sa isa't isa, mayroon nang isang magso-sorry. Tapos magso-sorry na rin 'yung isa," kuwento niya.

Alamin kung paano napagtibay nina Jak at Barbie ang kanilang relasyon ngayong quarantine sa video sa itaas.

Samantala, sumabak na si Jak sa una niyang taping habang may quarantine na gumanap siya bilang DJ Loonyo sa isang episode ng #MPK.

Bukod dito, nag-guest din siya bilang "tsismosong kapitbahay" o 'yung tumutulong sa mga judge contestant sa always trending na Bawal Judgemental segment ng longest running noontime show na Eat Bulaga.