GMA Logo Jak Roberto and Sanya Lopez
Photo by: jakroberto (IG); sanyalopez (IG)
What's Hot

Jak Roberto, supportive sa love life ni Sanya Lopez: 'First time n'ya magpakilala sa akin'

By Aimee Anoc
Published June 19, 2026 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: June 19, 2026
9 LTO-13 personnel nabbed for alleged extortion
Why 'Toy Story 5' may be Pixar's most timely film yet

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Sanya Lopez


Nagbigay rin ng maagang birthday message si Jak Roberto para sa kapatid na si Sanya Lopez. Alamin dito.

Full support ang Taskforce Firewall actor na si Jak Roberto sa love life ng kapatid na si Sanya Lopez na ngayon ay mayroon ng special someone.

Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ni-reveal ni Jak na ipinakilala na sa kanya ni Sanya ang mystery man nito.

"First time n'ya magpakilala sa akin na parang, 'Kuya, kaibigan ko,'" sabi ni Jak. Pabirong hirit naman daw niya sa kapatid, "Hu! Kaibigan?"

"So sa pagiging kuya nga parang parents din 'yan, guide ka lang," dagdag niya.

Proud din si Jak kay Sanya na kamakailan lamang ay may biniling bagong sasakyan bilang birthday gift nito sa sarili.

"I'm so proud of her. Happy birthday to you. Congratulations to your new car. And, of course, pinagpe-pray ko 'yung everyday income mo na mag-stable pa and maraming-marami ka pang blessings na matanggap," mensahe ni Jak para kay Sanya.

Ipinarating din ni Jak ang saya na isa-isa nang natutupad ang pangarap nilang magkapatid.

"All this time na parang wala tayong tinitirhan, wala tayong sariling bahay. Ngayon, finally, parehas tayong nag-improve. Na-achieve natin 'yung mga dreams natin."

Samantala, subaybayan si Jak bilang Hex Silverio sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime!

Related content: FIRST LOOK: The heroes of 'Taskforce Firewall'