
Matagumpay na na-prank ni Jak Roberto ang kanyang kapatid at kapwa Kapuso star na si Sanya Lopez nang itago ng aktor ang sasakyan nito at pagmukhaing ito'y nawawala.
Naka-schedule na ipa-upgrade ni Sanya ang kanyang sasakyan ngunit nagulat na lamang ang First Yaya star nang hindi niya ito matagpuan. Matapos magmasid sa paligid ng kanyang bahay, lumapit na siya sa kanilang village guard at napag-alamang may naglabas ng kanyang sasakyan.
Hindi na maitago ang pag-aalala ng aktres at pinagpatuloy ang kanyang paghahanap. Samantala, tuwang-tuwa naman si Jak dahil muli siyang nagtagumpay sa kanyang naisip na prank.
Ang katunayan, dinala na pala ni Jak at ng kanilang driver sa auto shop ang sasakyan ni Sanya para sa gagawing upgrade dito. Dito na rin naabutan ng aktres ang kanyang nawawalang sasakyan.
Bahagi ng aktres, nakaramdam daw siyang maaaring prank lang ito ng kanyang kapatid ngunit hindi pa rin daw niya mapigilang mag-alala.
Aniya, “Medyo, pero kinakabahan kasi ako. Paano kung totoo? 'Yung feeling na nag-iisip ka na kung anong pwede mong gawin. Kinakalma ko muna 'yung sarili ko kasi 'pag hindi ako kalmado, nagpa-panic ako lalo tapos hindi na ako nakakapag-isip nang maayos.”
Panoorin ang kanilang vlog dito:
Nahulog man sa prank ni Jak, masaya si Sanya sa ginawang upgrade sa kanyang sasakyan.
Silipin sa gallery sa ibaba ang mga sasakyang ipinagmamalaki ng celebrities: