GMA Logo Jak Roberto and Sanya Lopez
What's Hot

Jak Roberto to Sanya Lopez: "Happy birthday sa bida-bida kong kapatid"

By Cara Emmeline Garcia
Published August 9, 2020 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Sanya Lopez


Ipinagdiriwang ni Sanya Lopez ang kanyang ika-24 na kaarawan ngayong araw, August 9.

Hindi pinalampas ni Jak Roberto ang pag-asar sa kanyang nakababatang kapatid na si Sanya Lopez lalo na't ipinagdiriwang nito ngayon ang kanyang 24th birthday.

Sa Instagram, bati ni Jak kay Sanya, “Happy birthday sa bida-bida kong kapatid!

“Wala tayong masyadong time magkita ngayon 'no? (Wala kang choice MECQ na naman, ako lang makikita mo).

“Congrats sa lahat ng achievements! At sa bago mong ____. Beke nemen oh. Dito lang ako sissy!”

Happy Birthday sa bida-bida kong kapatid! Wala tayong masyadong time magkita ngayon no 😂 ( wala kang choice MECQ nanaman ako lang makikita mo 🤣) Congrats sa lahat ng achievements! At sa bago mong _____. Beke nemen oh! Dito lang ako sissy! 😘

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Sa post, maraming fans ang bumati kay Sanya at sinabing inaakala nilang may kalokohang gagawin si Jak para sa kanyang kapatid.

Saad ng isang netizen, “Ay kuya Jak, akala ko ipaprank mo si Ate Sanya. Hahahah. Happy birthday po kay Ate!”

Habang ang isa naman ang nagsabi, “Happy birthday idol Sanya. God bless and stay safe po kayong magkapatid.”

Ilang fans ang bumati kay Sanya Lopez sa kanyang kaarawan / Source: jakroberto (IG)

Mapapanood ngayon si Sanya Lopez sa rerun ng hit Kapuso fantasy series na Encantadia mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.

Mapapanood rin ang aired episodes nito sa official website ng GMA at ng GMA app.