
Magtatambal ang Kapuso couple na sina Jake Vargas at Inah de Belen sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Gaganap sila bilang high school sweethearts sa episode na pinamagatang "Ang Katatagan ng Isang Ina."
Si Jake ay si JR, isang binatang nasa autism spectrum, habang si Inah naman ay ang kasintahan niyang si Judith.
Magbubunga ang pagmamahalan nina JR at Judith—bagay na ikakabahala ng kanilang mga magulang.
Paano tatanggapin ng kanilang mga ina ang sitwasyon ng dalawa?
Bukod kina Jake at Inah, bahagi rin ng episode sina Angelu de Leon, Maricar de Mesa, at Elizabeth Oropesa.
Abangan ang brand-new episode na "Ang Katatagan ng Isang Ina," July 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.